Dalisay na Ligaya by Victoria Amor
My rating: 4 of 5 stars
Hindi ko pa nababasa ang unang book sa series na ito na "Ligayang Dalisay" ni Vanessa. Ito kasi ang una kong nakita sa bookstore at wala ang unang book noong time na binili ko 'to. Pero kahit na hindi ko pa nababasa ang naturang libro ay hindi naman ako nahirapan na baka may mga detalye sa unang book na dapat kong malaman. Sa latter part ng book ay nalaman ko na ang kambal ay parang poles apart sa personality dahil kung si Ligaya ay may bubbly personality, si Dalisay naman ay may pagka-mahinhin at bookworm.
Medyo nahabaan lang din ako sa part kung saan ay nasa pangangalaga ni Darius si Dalisay. Feeling ko kasi ay parang dragging scenes yun sa book dahil sa naghihintay ako na kailan ba magkakaroon ng action packed scenes. Kaso sa dulo lang nagkaroon nung hinihintay ko at parang napaka-ikli lang. Halos parang wala ngang ginawa ang kambal noong time na yun dahil sa nagtago lang sila at parang naghintay lang na ma-save.
Kung nagkaroon ng mas madami-daming action-packed scenes na hinahanap ko ay baka nabigyan ko pa ito ng rating na perfect 5 stars.